
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Sampal Queen, 'yan ang tawag o bansag ngayon ng Pinoy viewers sa batikang aktres na si Jean Garcia.
Kasalukuyang napapanood si Jean bilang si Aurora Palacios sa 2024 murder mystery drama na 'Widows' War.'
Pinag-uusapan ng mga manonood ang sunud-sunod na sampalan scenes ng aktres kasama ang kanyang co-stars sa hit series.
Bukod dito, tumatak din sa viewers ang pananampal niya para sa iba pang mga palabas sa telebisyon.
Kaugnay nito, sa isang Chika Minute report ay inamin ng Sparkle star na si Rabiya Mateo na pangarap niya umano na masampal ng isang Jean Garcia.
Sinu-sino na kaya ang mga aktor na nakatikim na ng iconic on-screen slaps mula kay Jean Garcia?
Kilalanin ang ilan sa kanila sa gallery na ito.