
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Dalawang passionate na beauty pageant trainers ang naimbitahan ni Kring Kim sa kaniyang vodcast na Think Talk Tea, kung saan napag-usapan nila ang mga nangyayari sa likod ng paghahanda ng isang aspiring beauty queen.
Nakipagchikahan ang ACES & QUEENS' mentors na sina Jim Ryan Ros at Raymond Galang tungkol sa mga gastusin ng isang isang contestant sa isang pageant.
Tanong sa kanila ng Kim: “Sasali ako ng Miss Universe Philippines or Binibining Pilipinas, or Miss World, or Mutya. Wala ako pera. Hindi naman mura ang gown, hindi naman mura talaga lalo na 'yung mga pa-gown, pa-photoshoot daw. Pano 'yun?”
Diretsahan tugon ni Raymond, “To be a beauty queen kailangan mo ng PhP1 million.”
Dagdag pa niya, “Minimum nowadays, 'no, to compete in a pageant kailangan mo ng PhP500,000. That's the bare minimum para lang magka-requirement ka na, magka-gown. Hindi pa yun ang pinakabongga.”
Kasunod nito, isa-isang ipinaliwanag ni Ryan kung saan napupunta ang inilalabas na pera ng isang aspiring beauty queen, lalo na sa training nito.
“Okay dissect natin," aniya. "Normally, a pageant is three months. Pero before that pageant nagpi-prepare ka na, sabihin natin twice or six months. Yung iba one year pa bago nagpi-prepare, nagti-training sila. But of course, medyo lucky ka if you are part of the camp like Aces and Queens wala kang bayad dun sa mentors mo.
“Pero, how about kung independent ka? Ikaw lang on your own. Naghahanap ka ngayon sa social media [ng] pasarela trainer, Q&A trainer, [and] you pay them.”
Sabat ni Raymond: “Ang mahal ng mga sikat na mga pasarela trainers.”
Pagpapatuloy naman ni Ryan, “If you are out-of-towner, dun pa lang magkano na ang rent, PhP20, 30, 40, 50 thousand--depende kung ano 'yung gusto mong place. Pamasahe mo, gas or Grab, 'di ba? Yung living expenses malaking bulk siya good to say like PhP100K… Then, of course, you have your gowns.”
Tanong muli ni Kring, “Magkano ba gowns ngayon?”
Sagot sa kaniya ni Raymond “[One] Hundred fifty [thousand pesos], pero pinaka ano na 'yun, ah, parang basic.”
Panoorin ang kabuuan ng kabilang diskusyon dito:
Samantala, kilalanin dito ang mga nagpapatakbo ng beauty pageants sa Pilipinas: