Celebrities na ginamit ang pangalan para ipang-scam

1 week ago 8
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Sa panahon ngayon na parami na nang parami ang scammers, unti-unti na ring nagle-level up ang kanilang panloloko. Kamakailan, ang bagong scam nila ay ang paggamit ng pangalan ng ilang celebrities at showbiz personalities para makakuha ng pera o “donasyon.”

Kaya naman, bilang tulong para maprotektahan ang kanilang fans at mga ordinaryong tao na hindi ma-scam, ilang celebrities ang nagbabala tungkol sa ganitong mga scam. Ilan sa mga ito ay sina Pulang Araw star Sanya Lopez, Shining Inheritance actress Kyline Alcantara, at Voltes V: Legacy director Mark Reyes.

Ilang celebrities din tulad nina Barbie Forteza, David Licauco, at Martin Del Rosario ang naging parte ng anti-scam awareness campaign para magbigay rin ng babala sa mga tao.

Tingnan sa gallery na ito kung sinong mga celebtities at showbiz personalities pa ang nagamit ang pangalan para mangikil ng pera sa publiko.

Read Entire Article