Celebrities, nakiisa sa 'Takbo Para sa Pelikulang Pilipino' event

1 month ago 51
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Isa si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa celebrities na nahihilig sa pagtakbo. Kaya naman, para maibahagi ang hilig niyang ito sa mas maraming tao at para makatulong ay nag-organisa ang Movie Workers Welfare Foundation Inc. (MOWELFUND) at MYRIAD Corporation ng isang fun run.

Bilang board member ng organisasyon, aktibong nakilahok ang Kapuso star sa paghahanda ng event na ginanap ngayong Linggo, May 11, sa SM MOA Concert Grounds sa Pasay City.

Isa rin si Alden sa celebrities na nakitakbo sa 'Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino' kung saan lahat ng kikitain mula dito ay mapupunta sa MOWELFUND. Nakasama rin ng Kapuso actor ang kapwa niya running enthusiasts at mga kaibigan na sina Barbie Forteza at Kristoffer Martin. Bukod sa pagtakbo, nagsilbi ring host si Martin Javier sa naturang event.

Tingnan kung sino-sino pang celebrities ang nakitakbo para sa pelikulang Pilipino sa gallery na ito:

Read Entire Article