Dina Bonnevie, nami-miss pa rin ang yumaong asawa: 'I long for my husband's embrace'

3 weeks ago 42
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


May limang buwan na nang pumanaw ang asawa ng aktres na si Dina Bonnevie na si Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor “DV” Savellano, ngunit pag-amin ng aktres ay nami-miss pa rin niya ang kaniyang mister.

Sa Instagram, nag-post si Dina ng maiksing video na naglalaman ng mga litrato nilang mag-asawa. Sa background, nagpe-play ang awitin ni Ed Sheeran na 'Visiting Hours.' Sa caption, inamin ng aktres na marami nang nagbago simula nang pumanaw si DV.

“I long for my husband's embrace; I wish I could tell him everything and he could hold me and wipe away my tears, and protect me and make me feel safe,” sulat ni Dina.

Pagpapatuloy niya, “I can almost hear him whispering in my ear, 'My queen, my love, my life, always remember that as long as I am here, nothing can harm you because God is with me, with us! He is our strength and our power.'”

Sabi ni Dina, nami-miss pa rin niya ang asawang si DV, pero alam niyang kasama lang nito si Jesus at na lagi lang itong nandiyaan para sa kaniya at para ipagdasal siya.

Pinasalamatan din ng aktres ang kaniyang kaibigan na gumawa umano ng video na pinost niya, at para sa pakikinig at pag-comfort nito sa kaniya.

January 7 nang kumpirmahin ni King of Talk Boy Abunda sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ang pagpanaw ni DV. Aniya, ang National Tobacco Association kung saan nagtrabaho si DV bilang undersecretary ang unang nagkumpirma ng balita.

Ani Boy, bago pa nagsimula ang programa ay nakausap na niya si Dina at nalaman ang tunay na dahilan ng pagpanaw ni DV.

“On behalf of the men and women of Fast Talk, kami ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya ni DV [at] kay Dina Bonnevie. We will be praying for courage, we will be praying for your well-being. And sabi nga ni Dina, si DV po succumbed to abdominal aneurysm,” sabi ni Boy.

Samantala, narito ang ilan pa sa mga celebrities na humarap sa matinding pagsubok matapos mamaalam ang mahal nila sa buhay o kanilang kaibigan sa gallery sa ibaba:

Read Entire Article