[EDITORIAL] AMLC silence was complicity

2 months ago 27
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[EDITORIAL] AMLC silence was complicity

Mahina talaga ang governance and accountability ng bansa natin

Nakakauga ang mga rebelasyon ng Anti-Money Laundering Council tungkol sa umano’y ill-gotten wealth ni Vice President Sara Duterte. 

Antonio Trillanes, Sara Duterte, AMLC, Bank Accounts, Impeachment

Pasadahan natin:

  • May 6.7 billion, not million, na large and suspicious transactions na dumaan sa bank accounts ng mag-asawang Mans Carpio at Sara Duterte. At malayong-malayo ito sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth na idineklara ng VP na nasa range lamang ng P2 million to P3.8 million. 
  • May P14.8 million daw na iniremita ang alleged drug lord na si Sammy Uy sa bank account ni Sara Duterte. May alleged “pay-outs” din daw kay Rodrigo Duterte, Baste Duterte, Pulong Duterte, Honeylet Avanceña, at Kitty Duterte. Umaabot daw sa P200 million ang payouts ni Uy sa pamilya Duterte.

Habang pinapanood namin ang House hearing kung saan umapir ang AMLC — isang tanong ang hindi nasasagot: Bakit hindi na-flag ang ganitong suspicious transactions ng AMLC nitong nakalipas na dekada?

Pero teka lang, balikan din natin ang nangyari kay dating deputy ombudsman Arthur Carandang. Remember the brave Carandang

Nangahas siyang sabihing ipinapakita ng bank records mula sa AMLC na may dumaloy na P1 billion sa bank accounts ni Rodrigo Duterte. Malayo ito sa P27.4 million na idineklara ni Duterte sa kanyang 2016 SALN kung saan mayroon daw siyang P18.4 million cash on hand sa bangko.

Sabi ni Duterte on national television tungkol kay Carandang: ”Magdasal ka lang, Carandang. I’m not threatening you. Pagka nagkaletse-letse ang Pilipinas, uunahin kita.” (Just pray, Carandang. If the Philippines becomes a mess, I will go after you first.)

Alam ‘nyo ba ang nangyari kay Carandang? Nasuspinde siya, pagkatapos ay tuluyang na-dismiss, at nawalan ng retirement benefits sa kabila ng ilang dekadang paglilingkod. Pero ayon sa ombudsman noon na si Conchita Carpio Morales, unconstitutional ang suspension ni Carandang.

Samantala, may isa pang taong may hawak ng bank records ng mga Duterte at ‘yan ay si dating senador Sonny Trillanes. Sabi niya, batay sa mga dokumentong ibinigay sa kanya, P2.4 billion cash flow ang dumaloy sa bank accounts ng matandang Duterte. Nag-file siya ng plunder complaint laban kay Rodrigo bago mag-eleksiyon. Sinubukan niyang ipakumpirma sa AMLC ang mga dokumento pero na-deny ito dahil sa confidentiality. Then history happened and Duterte won as president.

By 2020, nasa 14 na kaso ang ni-revive o isinampa laban kay Trillanes, kasama na ang cyber libel, sedition, at kidnapping. Noong 2018, ni-revoke din ni Duterte ang amnesty ni Trillanes kaugnay ng 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula siege — na ibinaliktad ng Korte Suprema.

Sabi ni Trillanes nitong April 22 sa Kongreso: “I am relieved na sa ngayon, sa wakas, after 10 years ay kinumpirma ng AMLC ‘yung aking nilalabas sa taong bayan simula pa noong 2016.” 

Sa isang statement, sinabi ni Vice President Duterte na “untrue” ang umano’y “billions of pesos in bank accounts.” Sinabi rin ng VP na “accurate” lahat ng nakasaad sa kanyang SALN.

Ano ang big picture sa belated revelations ng AMLC?

Mahina talaga ang governance and accountability ng bansa natin. Ihambing ‘yan sa ICC na nagpamalas ng no-nonsense procedures — malayong-malayo sa mga korte at ahensiya natin na laging sumasayaw sa dikta ng pulitika. 

Malaking black eye ang pananahimik ng AMLC sa usapin ng umano’y money laundering ng mga Duterte: tumataginting na ehemplo ito ng palpak na institusyon na binitiwan ang mga sinumpaang tungkulin dahil sa pressure ng pulitika.

Again, silence is complicity, lalo na ang council na may mandatong pigilan ang paggamit ng sistema ng pananalapi para sa unlawful activity. Baka naman ang journalist na si Frenchie Mae Cumpio, na na-convict for terror financing, ang kaya lang nitong habulin?Ito ang tinutukoy natin ’pag sinasabing nawarak na ang demokrasya sa Pilipinas. ’Yan ang dapat nating muling ibangon bilang isang bansa. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading

Read Entire Article