[EDITORIAL] Ano ang pinatunayan ng 2025 midterms? We have agency.

2 weeks ago 9
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[EDITORIAL] Ano ang pinatunayan ng 2025 midterms? We have agency.

Sa kabila ng rampant vote-buying, may mensahe ang 2025 midterm: may pag-asa pa ang botanteng Pilipino

Maraming palaisipan na binuksan ang pagsablay ng established survey firms na i-predict ang outcome ng midterm elections — tumama naman sa ibang kandidato, pero sumablay sila sa tatlong kandidato nang bigtime: Bam Aquino at #2 with 21 million votes, Kiko Pangilinan at #5 with 15.2 million, at Rodante Marcoleta at #6 with 15.1 million.

In and out sa magic 12 si Bam, habang si Kiko ay hindi man lang nakatuntong sa sirkulo ng mananalo sa Social Weather Stations at Pulse Asia sa buong campaign period. PANOORIN: Are the surveys broken?

Ano’t ano man, hindi surveys o ang umano’y “failure” nito ang ating paksa kundi ito: Ano ang magandang balita sa nakaraang eleksiyon?

Ano ba ang nagbago sa landscape? 

  • Warak na ang Marcos myth. Sa kabila ng makinarya ng Lakas-CMD, hindi nila naipanalo ang 10 ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Natalo pa sila sa key people sa mga rehiyon — case in point, Gwen Garcia. Think Rodrigo Duterte in 2019 na kahit isang Otso Diretso ay hindi nakasingit sa slate ng Hugpong ng Pagbabago. Pero ngayon, hindi dahil inendorso ni Marcos ang isang kandidato ay iboboto siya ng Marcos supporters. 
  • “Existential” ang pagkatalo ng mga Marcos annointed sa midterms. Nagbabadya ito na dehado sila sa darating na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at kung bibilangin batay sa loyalties, kulang ang mga boto para sa guilty verdict. At kapag hindi nagawang ineligible to run si Sara Duterte for public office, kaya niyang agawin ang trono sa 2028 presidential elections. Saang kangkungan pupulitin si BBM sa harap ng isang bengaderang Sara gayong ipinakulong niya ang ama ng dating political sweetheart?
  • Maraming undecided nitong midterms. Nagkakaisa rin ang analysts na ang daming soft votes at hindi pa nagdedesisyon — typical Filipino behavior — sa huling linggo bago nag-eleksiyon. Note na lagpas ito sa abilidad ng mga survey firms na ma-capture dahil ang surveys ay snapshot lamang ng pulso ng mga sinurvey para sa limitadong panahon kung kailan isinagawa ang mismong survey. At ‘yan ang tinarget ng kampo nina Bam at Kiko — ang undecided at soft. Ang tanong: nangangahulugan ba ito ng anti-establishment sentiment, be it anti-Marcos o anti-Duterte? Puwede. At the minimum, tama si Bam at Kiko na iwasan ang toxicity ng bangayang Marcos-Duterte.
  • Is it a youth vote? Puwede. The jury is still out data-wise, kasi nga tila hindi sila naabot ng mga established survey firms na nagdo-door-to-door, pero may pagtingin na naabot sila ng fringe survey firms na nag-conduct ng online polling. Ayon sa data mula sa Commission on Elections, 60.5% ng registered voters ay millennials at Gen Z. Kung hihimayin, millennials (aged 29-44) accounted for 23 million voters, habang ang Gen Z (aged 18-28) accounted for 18.3 million voters. Ito rin ang pinakamataas na turnout para sa isang midterms, so safe na sabihin na nag-go-out-and-vote ang kabataan. BASAHIN: [In This Economy] Lessons from the surprising 2025 elections
  • Ano ang sigurado? We have an energized “progressive opposition.” And by “progressive,” we mean the likes of Risa Hontiveros, Kiko, Bam, Leila de Lima, and Chel Diokno — and definitely not Sara Duterte, Bong Go, Bato dela Rosa, o Rodante Marcoleta. Btw, pansinin na nag-top ang Akbayan, ang partido ni Risa Hontiveros. This is total reversal of fortunes for Akbayan, na muntik na ngang mabura ang pangalan sa listahan ng party lists. Matagal nang lugmok ang remnants ng Liberal Party, ang traditional opposition sa heyday ni Rodrigo Duterte. Ngayong 2025, may proverbial rising from the ashes, pinanday sa apoy, at ipinanganak si Bam, Kiko, at Akbayan sa kasalatan ng resources at pormal na kaalyado. Pinatunayan ni Bam at Kiko na hindi hadlang ang shortage ng funds — basta may mga impormal na mga kaibigan at may masigasig na brigada ng mga volunteer. At siyempre, may disiplina sa messaging, may sipag, at scientific ang pangangampanya.

Inuulit namin ang panawagan sa survey firms na magrepaso ng methodology — lalo na ang pangangailangang ma-identify at mag-warning laban sa insidious manipulation ng disinformation.

Panawagan ito sa progressive opposition, na maliban sa pagiging fiscalizer sa Kongreso, ay magsilbing boses ng katotohanan at maprinsipyong pamumuno.

Pero higit sa lahat, panawagan ito sa taumbayan: 

  • Kung naniniwala kayo na dapat accountable at transparent ang public official — panagutin si Sara Duterte na umano’y nagwaldas ng confidential funds. Kalampagin ang elected officials ninyo at iparating na ayaw ‘nyo ng public official na hindi accountable sa pondo ng bayan na ipinagkatiwala sa kanya.
  • Ibalik ang diskurso sa tangible services tulad ng tubig, kalusugan, kuryente, trabaho, pagkain, at pagpupurga ng korupsiyon. Kalampagin ang ating elected officials na dapat panagutin ang PrimeWater sa bad service. Kalampagin din si Senator-elect Camille Villar sa mga kasalanan ng pamilya niyang may-ari ng PrimeWater. Tiyakin na magde-deliver ang mga nanalong kandidato sa platform ng health at ospital atbp.
  • Ibalik ang diskurso sa pagwawaksi ng korupsiyon. Anti-corruption pays — and it can pay bigtime. May excellent case study na dapat nating balik-balikan: Ang clean-up ng procurement system ng Pasig ni Mayor Vico Sotto ay nauwi sa higit sa pagdodoble ng savings ng lungsod. Mula P10 billion noong 2019, ang budget ngayon ng Pasig ay tumataginting na 22.4 billion, at nacha-channel ang pera sa social services at overhaul ng city hall.

Sa kabila ng rampant vote-buying, pinapatunayan ng midterm elections na puwedeng magtagumpay ang disenteng kandidato. Pruweba ito na may puwang sa puso ng botante ang mga isyu.

Ano ang agency sa pulitika? Sabi ng diksyonaryo, ito ay “a thing or person that acts to produce a particular result.” Tayo ang may agency, at ibig sabihin, hindi padrino ang pulitiko, kundi public servant mo. Hindi ikaw ang may utang-na-loob ‘pag nagdeliver siya — trabaho niya ‘yun. Hindi siya panginoon ng lungsod, distrito, o probinsiya — ikaw ang boss niya.

At pinapatunayan ng midterm elections na may agency ang botante — may boses at kapangyarihan tayo. – Rappler.com 

How does this make you feel?

Loading

Read Entire Article