
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Nasa la mesa ng Pangulo ang sukdulang responsibilidad — no matter how he is trying to fashion this as a Cabinet issue
Bukambibig ng lahat ang sablay ng administrasyong Marcos na maipanalo ang midterm elections. Mantakin mo, paanong hindi na-box out ang mga kalaban gayong nanalo siya ng 31 million votes noong 2022?

Pero masalimuot ang 2022 win, dahil ang 31 million na ‘yan ay produkto ng arranged marriage sa mga Duterte. Nang nagdiborsiyo ang dalawang dinastiya, nahati ang materyales fuertes at nagkaalaman na higit sa kalahati ang inambag ni Sara Duterte.
At ‘yan ang problema ni BBM — mali ang assumptions niya nang pumalaot sa eleksiyon. Naging presumptuous (some say arrogant) ang mga kaalyado niya sa Kamara nang ipinalusot ang filing ng articles of impeachment — na nagbukas sa maraming legal questions.
Kapag kinumbinasyon ang impeachment sa historic na pag-aresto sa tatay ni Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte — no-brainer na ramdam na ramdam ng mga supporter ni Digong ang overkill.
Sumisid ang approval ratings ni BBM at Martin Romualdez, habang bumaha ang simpatiya at pagmamahal para sa mga Duterte na triniple pa ng inauthentic behavior online. Pati mga closet Duterte supporter, nagsipagladlad sa tindi ng galit sa pang-aapi sa kanilang Tatay Digong.
Nagkakaisa lahat ng established at wanna-be analyst: Kung naipanalo sana ni BBM ang mayorya ng mga kandidato niya sa Alyansa slate at natiyak niya ang numero ng mga mag-i-impeach kay Sara, mase-secure sana niyang hindi makatatakbo si Sara sa 2028 at hindi magiging presidente ang bise niyang nais siyang ipa-assassinate.
Ang tagapagmana ng Camelot, nahubaran na walang saplot. Kaya’t nagbalangkas ng bagong plano — ‘yung maglalagay kay BBM sa gitna ng conversation.
Tada! Balasa ng Gabinete! Nanggagaling sa posisyon ng pagpapakumbaba, sinasabi ng Presidente na paghuhusayin pa niya sampu ng kanyang handpicked men ang pamamahala.
Ang problema sa balasa, nakachannel ang sisi sa mga adjutant. Ang subliminal message: hindi si Marcos ang may problema, ilang piling miyembro lamang ng kanyang Gabinete. Pero kapag nagsintunado ang orchestra, hindi ba’t nasa konduktor ang problema?
Nasa la mesa ng pangulo ang sukdulang responsibilidad — no matter how he is trying to fashion this as a Cabinet issue.
Balikan natin ang buod ng pagkadismaya kay BBM — hindi ba ito’y tungkol sa delivery ng basic services: murang pagkain, kontroladong inflation, jobs? Sa disaster management at West Philippine Sea lang siya pasado.
Sinagot ba ng balasa ang food security issue? Hindi, dahil mahahalungkat lang na ang tagal niyang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura at walang naipundar sa food security noong siya ang nakaupo.
Puwedeng-puwede namang napalitan na ang mga kalihim ng environment at housing portfolio noon pa.
Nag-underperform daw si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga. Wala bang kinalaman sa pagtatanggal sa kanya ang paglalabas niya ng pag-aaral na ang reclamation ay may negatibong epekto sa kapaligiran? Shades ba of eco-warrior Gina Lopez? Wala ba talagang big business sa likod ng pagsisisante sa kanya?
Tinanggal naman si Housing czar Jerry Acuzar dahil daw sa underdelivery — at hindi biro ang target niyang six million housing units. ‘Yan na halos ang backlog natin sa pabahay para sa informal settlers. Engrandeng pangarap — dapat may kakambal na engrandeng push ng Chief Executive, pero maliban sa ilang pahayag, hindi niyakap ni Marcos ang mga proyekto ng Department of Human Settlements and Urban Development.
Siguro ang tanong, Pangulong Marcos, nag-underperform at nag-underdeliver ka rin ba? Kung oo ang sagot — hindi ‘ata problema lang ito ng Gabinete, at hindi ‘ata balasa ang sagot sa problema.
Una, kailangan ng honest to goodness, no holds barred post mortem ng eleksiyon upang matukoy ang failure in assumptions, hubris, misuse of resources, at poor choices. Pangalawa, ano ang puwedeng gawin sa tatlong taon? Kung indikasyon ang panalo ni Bam Aquino at Kiko Pangilinan, edukasyon at pagkain ang isyung malapit sa puso ng tao. ‘Yan dapat ang mga bagay na hindi nagpapatulog sa ‘yo.
Nothing stinks like failure but nothing succeeds like success. So roll up your sleeves and buckle down to work, Mr. President. – Rappler.com
How does this make you feel?
Loading