Freddie Aguilar, inilibing na sa Manila Islamic Cemetery

3 weeks ago 6
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Patuloy ang pagdadalamhati ng showbiz industry sa pagpanaw ng isa sa mga OPM icon na si Freddie Aguilar.

Sa edad na 72, pumanaw ang batikang singer dahil sa multiple organ failure. Ayon sa kanyang dating partner na si Josephine Queipo at sa aktres na si Vivian Velez, binawian ng buhay si Freddie noong May 27 sa Philippine Heart Center.

"Our heartfelt condolences to his family and loved ones. His music will forever live on in our hearts. #FreddieAguilar,” sulat ni Vivan.

Bilang isang Muslim convert mula pa noong 2013, agad siyang inilibing alinsunod sa paniniwala na dapat mailibing ang yumaong Muslim sa loob ng 24 oras matapos ang pagpanaw.

Ayon sa isang post ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office, inilibing si Freddie sa Manila Islamic Cemetery sa parehong araw ng kanyang pagpanaw. Pinangunahan ang seremonya ni Director ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office Brother Johnny Guiling, kasama ang National President ng Balik-Islam Consultative Assembly, Inc na si Brother Delfen “Amla Omar” Gayatao Jr.

"Inna lillahi wa inna ilayhi raji'un ( (Katotohanang tayo ay nagmula kay Allah at sa Kanya rin tayo babalik)," ayon sa post--isang karaniwang Islamikong pananalita kapag may yumao.

Nagpa-convert si Freddie bilang Islam noong 2013.Ayon sa pananampalataya nila, dapat mailibing ang namatay sa loob ng 24 oras nang pumanaw ito.

Maliban sa kanyang pinakatanyag na kantang "Anak," sumikat din si Freddie sa mga awiting "Magdalena," "Minamahal Kita," at "Ipaglalaban Ko."

Naging tanyag rin ang kanyang bersyon ng makabayang kantang "Bayan Ko."

Hinirang din ang naturang OPM icon bilang Presidential Adviser on Culture and the Arts ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Balikan ang buhay at legacy ni Freddie Aguilar sa gallery na ito:

Read Entire Article