
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Share ko lang po.
Nag load ako ng GO250 na promo nila nitong gabi tapos lumabas na yung purchase receipt nila, so nabawas na yung 250 sa regular load ko tapos pag pindot ko nung back button ko sa phone may lumabas nanaman na purchase receipt at nabawasan ako ulit ng another 250 sa regular load ko.
Nagmessage ako sa agent nila thru messenger kasi 500 pesos agad nawala sakin (may provided akong mga screenshots, di ko lang nascreenshot yung isang purchase receipt na pangalwang lumabas kasi biglaan lang pero may pangalwang text message akong nareceive na, na-purchase ko ulit yung promo) tapos sabi lang sakin since successful daw yung purchase nung promo di daw nila maibabalik yung 250.
Aminado ako, napareklamo talaga sakanila kasi sayang talaga kasi for 15 days lang yung promo tapos ayaw talaga nila ibalik. Suggested pa nila na mag-add nalang ako 10 pesos para ma-extend ng another 1 day yung promo ko kung sakaling di ko daw maubos yung 90gb na data-ng naload sakin.
Ang ending, di pako tapos dun sa concern ko, tinerminate na nila yung chat. System naman talaga nila yung may problema kasi nagback lang talaga ako para ma-check ko na yung promo pero nakuhaan lang talaga ako ulit ng load. Sobrang nakakapanghinayang tapos di pa nila nareresolve yung concern ko, nag-end na agad.
Sa tagal ko nang nabili ng promo sakanila, kung kailan naman yung malaking halaga pa yung binili kong promo, yun pa yung nadoble ng system nila. (Lagi akong nabili noon ng promo nilang Super Xclusive Go+99 nila, never akong nadoblehan ng bili dun, ngayon lang ako bumili ng GO250 na promo nila tapos doble agad yung nakuha sakin). Kahit ilang beses ko yatang sabihin sakanila na sa system nila yun may problema, di na talaga pwede. (Okay, intindihin ko nalang kasi wala na din naman, na-end na sa other line yung message). Gusto ata nilang may screen record ka para lang mapatunayan mong system nila yung nagloko.
Sorry po dun sa last message ko at sobrang frustrated na kasi ako dahil nanghihinayang talaga ako dun sa nabawas kong load. Dapat talaga maingat pumindot kahit back lang yun, tsaka yung "x" button nalang pala dapat ang pinipindot para siguro na hindi madoble yung load pag back.
Yun lang po, share ko lang. Gusto ko lang po ilabas yung saloobin ko. Wala na po ako magagawa eh.