
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Nagsalita na ang actor-turned-politician na si Javi Benitez tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang mga magulang na sina newly elected Bacolod representative Albee Benitez at Nikki Benitez.
Sa kanyang Facebook post, ipinakita ng incoming Negros Occidental representative na si Javi ang family picture nila na kuha noong December 2023.
Sa caption nito, sinabi ni Javi, “Ayoko na sanang magsalita, pero alam kong hindi ko rin ito maiwasan.
“Ang mga totoong nakakaalam ng buong kwento… tahimik lang. Hindi sila nasa balita. Hindi rin sila nagpo-post.”
Gayundin, umaasa si Javi na magkaayos pa ang kaya kanyang mga magulang.
“Ang hiling ko lang: sana magkaintindihan pa rin ang mga magulang ko, bilang magulang namin ni Bettina, at kung maaari pa, bilang mag-asawa rin.
“Sana balang araw, makahanap din kami ng tamang pag-ibig. 'Yung hindi nasusukat sa pera, status, o panlabas na imahe... kundi sa respeto, lambing, at tunay na partnership sa buhay.
“Gusto ko rin pasalamatan ang lahat ng tahimik na nag-abot ng malasakit: sa message, tawag, o kahit simpleng dasal. Salamat. Alam ko, hindi lang kami ang may ganitong sitwasyon pero sana maiayos din sa huli.”
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, isang panagawan ang iniwan ni Javi sa publiko: “Move on na tayo sa chismis, fake news, at paid drama. Ang dami pa nating kailangang ayusin sa bansa. Doon tayo mag-invest ng energy.
“Sa huli, hindi views, likes, o pera ang sukatan ng tao, kundi ang puso.
“Let's choose to be kind.”
Nagsimulang maging laman ng balita ang mag-asawang Albee at Nikki nang kumalat online ang ilang bahagi ng reklamong isinampa ng huli laban sa una dahil sa umano'y paglabag nito sa Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and the Children Act of 2004 (VAWC). Dito, inilahad ni Nikki ang diumano'y “economic at psychological abuse.”
Base rin sa naturang reklamo, inihayag ni Nikki ang diumano'y pakikipagrelasyon ni Albee sa aktres na si Ivana Alawi.
Sa isang opisyal na pahayag, mariing itinanggi ni Albee ang akusasyon ng kanyang estranged wife. Nagsimula daw ang reklamo ni Nikki nang magsimula ang annulment proceeedings para sa kanilang kasal noong 2024.
Bahagi rin ng naturang pahayag ang diumano'y “illicit relationship” ni Albee sa aktres.
Aniya, “It is equally unsettling that a third party has been unnecessarily dragged into this private matter. The mention of individuals unrelated to the merits of the case only serves to divert attention and inflame public sentiment in the complainant's favor.”
Huling din siya sa publiko na iwasan ang pagse-sensationalize ng isyung kinasasangkutan nila.
Samantala, narito ang ilang ex-celebrity couple na nanatiling magkaibigan para sa anak: