
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Heartwarming ang naging usapan nina Kylie Padilla at BB Gandanghari sa latest episode ng online talkshow ng huli na BB. talk.
Isa sa mga napagkuwentuhan nila ay ang “honest” reaction ni Kylie noong mag-transition si BB Gandanghari.
“Ano'ng naging feeling mo when I finally transitioned? We never talked about this, so I'm very curious [about your reaction],” tanong ni BB.
“You know my first, honest, real reaction, 'Oh, my God. I'm so proud,'” saad ni Kylie.
Nang tanungin ni BB kung bakit, sagot ni Kylie, “Kasi may ganoon din ako na ang hirap magpakatotoo... ang hirap hanapin 'yung sarili mo. I [didn't] know how to voice out who I am, especially at 17, you're only discovering who you are.”
“And then someone in my family was going through something like this and was brave enough to be who they truly are and say it to the public, it was very inspiring for me. Hindi ko nga alam kung bakit,” dagdag pa nito.
Sabi pa ng aktres, “I'm happy for [BB Gandanghari]. At least ngayon, she can be herself now.
RELATED GALLERY: THESE CELEBS ARE PROUD TRANSMEN AND TRANSWOMEN
Natuwa naman si BB sa narinig mula sa aktres at umaming may takot ito noon sa magiging reaksiyon ng kaniyang mga pamangkin, kabilang na si Kylie.
“Ang real concern ko doon was the pamangkins because I don't want you guys to be confused. I don't expect you to understand, pero mayroon akong fear na baka ma-confuse. Kayo 'yung bata. Lahat 'yan, lahat ng pamangkin,” pag-amin ni BB.
Ngunit sabi niya, “But to my great surprise, automatic lahat ng mga nephews and nieces, Tita BB kaagad! Walang gatol, no questions asked, [at] wala akong naramdaman na parang pushback. Everyone was just embracing Tita BB.”
Paliwanag naman ni Kylie, “I think desire na makita kayo na maging masaya.”
Matatandaan na ang coming out story ni BB Gandanghari ay noong 2006 nang sumali siya sa Pinoy Big Brother.
Matapos ang tatlong taon, opisyal na ipinakilala ni BB Gandanghari ang kaniyang sarili sa publiko at nag-come out bilang transwoman noong 2009.
Taong 2016 naman nang legal nitong pinalitan ang pangalan sa BB Gandanghari
BALIKAN ANG COLORFUL AT TRANSFORMATIVE LIFE NI BB GANDANGHARI RITO: