Lotlot de Leon, may IG Stories tungkol sa pagsisinungaling

3 weeks ago 11
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Kamakailan ay may ibinahagi si Lotlot De Leon sa kanyang Instagram stories na tungkol sa pagsisinungaling.

Isa sa mga litrato na pinost ni Lotlot, nakasulat ang mga katagang “People who uses other people as stepping stones will one day lose their balance.”

Ang isa pa niyang post, imahe ng isang meter kung saan nakasulat ang “Truth” at “Lie” habang ang needle sa gitna nito ay nakaturo sa huli.

Sa huling image na pinost naman ni Lotlot, nakasaad, “The truth always come out.

Source: ms.lotlotdeleon/IG

Wala naman detalye na ibinigay si Lotlot kung para saan o para kanino ang mga ito ngunit mapapansin na lumabas ang mga ito matapos ang vlog ng interview ni Julius Babao sa kaibigan ni Superstar Nora Aunor na si John Rendez.

BALIKAN ANG CELEBRITIES AT PERSONALITIES NA INALALA SI NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO:

Sa naturang interview, ibinahagi ng singer na unti-unti na siyang nakaka-move one mula sa pagpanaw ng naturang National Artist.

“I'm moving on po, I'm trying to stay positive. Dealing with a loss of someone you love is never easy but after the grief comes like a liberating feeling once you find something you hold on to like the Lord. This has brought me closer to God,” sabi ni John.

Sa panayam din na ito ibinahagi ni John na dumalo siya sa libing ni Nora, ngunit hindi niya umano naramdaman na welcome siya doon.

“Kaso lang, parang feeling ko, hindi ako welcome, e. I don't know. When you walk into a room and people are looking at you like 'What's he doing here?' What do you think I'm doing here? I don't feel like I was welcome there, so I just stood outside with the fans,” sabi nito.

Sa huli, sinabi lang ni John na pamilya pa rin ang turing niya sa mga anak ni Nora na sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth.

Samantala, ang mga anak ng yumaong Superstar na si Nora Aunor ay sumunod sa kanyang yapak sa showbiz, at ngayon ay may kani-kaniyang pamilya na. Kilalanin sila sa gallery na ito.

Read Entire Article