
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Marami ang naantig nang ibahagi ng PBB housemate na si Kira Balinger ang nakalulungkot na pinagdaanan niya bilang anak na lumaki mula sa isang broken family.
Noong Huwebes (April 10) sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, hindi napigilan ni Kira na maging emosyonal nang sagutin ang tanong ni Kuya kung anong kuwentong pag-ibig ang nagkaroon ng pinakamalaking epekto sa kanyang buhay?
Para kay Kira ito ay ang kuwento ng kanyang mga magulang. Sabi niya, "Even though they're not together, they still want to be married for me, and that's a really big thing for me. That's why, I want to do well with everything that I do so that I could give back to them kahit paano."
Ayon kay Kira, ang pinakamalaking pangarap niya sa buhay ay ang makumpleto silang pamilya, kasama ang ina at ama. Ikinuwento rin ng Kapamilya aktres ang panahon na-"upset" siya sa kanyang ama dahil sa ginawa nito sa kanyang ina.
"That was going behind her back with somebody else. And that was incredibly painful for me as a daughter. I was eleven. Eleven-year-old Kira, she really had to grow up a lot faster. She had to understand what responsibilities were. When that happened, I felt like nanakaw 'yung childhood ko.
"Of course, I enjoyed being with my mom pero there's always that voice in the back of your head na, 'Ay wala kang tatay...' Parang sobrang aga na po akong namulat sa mundo. It really changed my perspective on love."
Mas kilalanin si Kira Balinger sa gallery na ito: