
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
LUNGSOD ng Balanga: Nagdiwang ng Eid Al Adha ang may 6,000 Muslim sa iba’t-ibang lugar sa Bataan nitong Biyernes.
Sinabi ni Sultan Abdullah Ampuan, Pangulo ng mga Muslim sa Bataan, na sa bawat lugar ng mga Muslim sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ay nagkaroon ng kanya-kanyang pagdiriwang.
“Eid’l Adha Mubarak to all Muslim brothers,” pagbati ng sultan.
Nagpaabot naman ng pakikiisa at pagbati sina Gov. Jose Enrique Garcia III, Congressman – elect Tony Roman ng first district, Rep. Albert Garcia ng second district, Rep. Gila Garcia ng third district at partylist Rep. Jett Nisay.