
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Nakakagutom ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Must Love Veggies," isang meat-loving mukbang star ang magkukunwari para sa pag-ibig.
Mahilig sa iba't ibang uri ng karne si Rina at patok sa kanyang followers ang vlogs niya kung saan kumakain siya ng mga fried at greasy food.
Makikilala niya si Benjie online at agad na ma-i-in love dito.
Kaya lang, strict vegetarians pala ang pamilya ni Benjie.
Dahil dito, magkukunwari si Rina na isang vegetarian kapag kaharap ang mga ito.
Matatagalan ba niyang maging vegetarian o babalik din siya sa kanyang meat mukbang?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Must Love Veggies," June 1, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito: