Nadia Montenegro at Baron Geisler, nag-uusap na para sa anak na si Sophia

3 weeks ago 6
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Mag-iisang taon na mula nang isapubliko ni Nadia Montenegro na ang aktor na si Baron Geisler ang ama ng kanyang bunsong anak na si Sophia Asistio.

Simula noon, marami ang naging curious sa estado ng relasyon ng dalawa--lalo na't nagkita sila sa ika-18 kaarawan ni Sophia noong nakaraang taon.

Sa isang panayam kay Karen Davila, nagbigay ng update si Nadia tungkol sa kanilang co-parenting setup ni Baron.

Ayon sa aktres, "Things are working out naman.”

Kwento ni Nadia na hindi naman niya pinagsisisihan ang naging relasyon nila, at masaya siyang nagbunga ito sa isang mabuting anak.

“I never regretted being with Baron, but I regretted the situation he was in at the time,” pahayag ni Nadia. “How I wish that he was sober. Maybe we could have handled things differently.”

"But we've both talked about this and actually, the last few months have been very good for us,” dagdag pa niya. “Sophia is with him and has been with him since February.”

Sa ngayon, abala ang mag-ama sa pag-aasikaso ng enrollment ni Sophia sa kolehiyo. Masaya silang magkasama habang naghahanda para sa panibagong yugto ng kanyang pag-aaral.

Samantala, nagbigay rin ng saloobin ang kapatid ni Nadia na si Tania Montenegro. Inamin niyang hindi siya boto noon kay Baron, lalo na't nakita niya kung paano nasaktan ang kanyang kapatid.

"I actually stayed mad at Baron for a long, long time kasi ang dami niya kasi iniyak at ang dami kasi nangyari," ani Tania.

Ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan na rin niyang patawarin si Baron.

"Tama ang sinabi [ni Nadia]. As you age, you mellow down. Plus with the situation with Sophia. Baron reached out naman sa akin so who am I na not to give him the chance," pahayag niya.

Para kay Tania, ang mahalaga ay tuparin ni Baron ang kanyang pangakong maging mabuting ama kay Sophia at huwag nang saktan si Nadia muli.

Related gallery: Samantala, kilalanin ang pitong magagandang anak ni Nadia Montenegro sa gallery na ito:

Noong July 2024, inamin ni Nadia sa Fast Talk with Boy Abunda na si Sophia at Baron ay mag-ama. Nilinaw ng aktres na ginawa niya ito upang tapusin ang mga tsismis at fake news na umiikot sa social media.

"Sophia is turning 18 in August and that's why I'm here, it's not for views, not to trend because that's one thing I hate, but to put an exclamation to everything," paliwanag niya.

Ang pag-amin ni Nadia ay sumunod sa pagbunyag ni Baron na siya ay may anak sa labas. Hindi binanggit noon ng aktor kung sino ang nanay ngunit aniya, hindi niya nasubaybayan ang paglaki nito. Nagkita lamang umano sila nang mag-reach out siya sa social media.

Samantala, kilalanin si Sophia Asistio sa gallery na ito:

Read Entire Article