Pilita Corrales and Nora Aunor's passing: Netizens, nasaktan para kina Lotlot De Leon at Janine Gutierrez

2 months ago 13
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Usap-usapan ngayon sa social media ang magkasunod na pagpanaw ng dalawang showbiz icons na sina Pilita Corrales at Nora Aunor.

Kaugnay nito, nag-alala ang netizens at fans sa mabigat na pinagdadaanan ngayon nina Lotlot De Leon at ng kaniyang buong pamilya.

Ang late Asia's Queen of Songs na si Pilita ay ina ng ex-husband ni Lotlot De Leon na si Ramon “Monching” Christopher Gutierrez, habang ang tinaguriang Superstar naman na si Nora Aunor ay ina ni Lotlot.

Sina Pilita at Nora ay parehas na lola ng aktres na si Janine Gutierrez.

Mababasa ngayon online ang reaksyon ng netizens, kung saan mapapansin na tila nag-aalala ang marami para kina Lotlot at Janine sa magkasunod na pagpanaw ng kanilang mga minamahal na kapamilya.

Ayon sa ilang netizens, heartbreaking ito para sa naulilang pamilya nina Pilita at Nora.

Sulat ng isa sa kanila, “To lose one grandparent is already painful. But to lose two in less than a week? That's a pain only God can comfort."

Patuloy na bumubuhos ang pakikiramay ng netizens at Filipino viewers sa pamilya nina Lotlot, Monching, at Janine.

Si Pilita Corrales ay pumanaw sa edad na 87 at si Nora Aunor naman ay pumanaw sa edad na 71.

SAMANTALA, ALAMIN ANG IBA PANG SHOWBIZ DEATHS NA IKINAGULAT NG MARAMI

Read Entire Article