
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Hindi maikakaila ang husay ni Rhian Ramos sa larangan ng pag-arte. Sa halos dalawang dekada sa showbiz, iba't ibang roles na rin ang kanyang nagampanan na tumatak sa manonood.
Noong 2024, pinarangalan si Rhian bilang Best Actress ng 2024 Platinum Stallion National Media Award of Trinity University of Asia para sa kanyang natatanging pagganap bilang Margaret Royales sa hit murder mystery series na Royal Blood.
Ngayong 2025, isa na namang mapanghamong karakter ang pagbibidahan ni Rhian sa pinakamalaking telefantasya ng GMA, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan bibigyang buhay niya ang Ice Queen na si Mitena.
Balikan ang ilan sa memorable TV roles ni Rhian Ramos sa gallery na ito: