Rocco Nacino 'pinaubaya na' ang asawang si Melissa Nacino kay Song Joong-Ki

3 weeks ago 6
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Hindi maipagkakaila na maraming fans si Korean actor Song Joong-Ki, kabilang na si Sparkle host Melissa Gohing. Kaya naman, ang asawa niyang si Rocco Nacino, tila pinaubaya na ang misis sa naturang Korean star.

Sa Instagram, nag-post si Rocco ng short video kung saan makikitang dumalo sila ni Melissa sa fan meet ni Jong-Ki. Makikita rin sa video na kilig na kilig ang kaniyang asawa, at nakausap pa ang naturang Korean star sa pamamagitan ng open mic.

Ani Melissa, “Thank you so much for greeting me last time, I cried.”

Sulat ni Rocco sa caption, “Gladly gave away my wife to... @hi_songjoongki ! nabingi naman ako sa mga sigaw ni @gohingmelissa!”

Matatandaan na sinorperesa ni Rocco ang kaniyang asawa ng isang birthday greeting mula kay Joong-Ki nang pumunta ito sa Busan International Film Festival. Pinasalamatan naman ng Mommy Dearest star ang Korean actor nang matandaan siya nito sa kanilang pagkikita sa naturang festival.

“You made so many people happy last night! Enjoy your stay in Manila!” pagtatapos ni Rocco sa kaniyang post.

BALIKAN ANG NAGANAP NA FANMEET NI SONG JOONG-KI SA GALLERY NA ITO:

Dumalo si Rocco sa naturang film festival noong October 2024 bilang representative ng pelikula nilang Motherland. Doon ay nakasalamuha ni Rocco ang ilan sa mga pinakakilalang Korean stars tulad nina Joong-Ki, Park Seo-joon, Ji Chang-wook, at Im Siwan.

Pagbabahagi ni Rocco sa kaniyang post, napaka-warm at accomodating umano ng Korean actor, at sinabing deserve nito ang lahat ng blessings na tinatamasa niya.

Nitong Sabado, May 24, ay naganap ang naturang fan meet ni Joong-Ki na “IAM Song Joong-ki: Live in Manila” sa SM Mall of Asia na dinaluhan ng fans at ibang celebrities.

Bati ni Joong-Ki sa kaniyang Pinoy fans, “Salamat, Manila!”

“Wow! There's so many people tonight. The arena's jam-packed. I'm very, very grateful to all coming here tonight. Of course, thank you for the invitation from IAM Worldwide for bringing me here in Manila for the first time,” pagpapatuloy ng Korean actor.

Ang "IAM Song Joong-ki: Live in Manila” event ang nagsilbing official welcome para kay Joong-Ki bilang pinakabagong ambassador ng I AM Worldwide, isang Filipino health and wellness brand.

Samanatala, tingnan ang ilan sa mga adorable moments ng pamilya Nacino sa gallery na ito.

Read Entire Article