Veteran actress Delia Razon, pumanaw na sa edad na 94

2 months ago 19
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Pumanaw na ang beteranang aktres na si Delia Razon (real name: Lucy May G. Reyes) sa edad na 94 noong Sabado, March 15. Kinumpirama ito ng kanyang apo at Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang Instagram post, kung saan isang obituary poster ni Delia Razon ang ibinahagi ng aktres.

"Celebrating the life of Lucy May G. Reyes "Delia Razon" August 8, 1930 - March 15, 2025," nakasulat sa obituary poster.

Wala pang ibang impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Delia Razon ang ibinabahagi ng kanyang pamilya.

Nagsimula si Delia sa Philippine entertainment nang mag-debut sa pelikulang Krus na Bituin noong 1949. Mas nakilala ang award-winning actress nang makatambal si Rogelio dela Rosa.

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG PUMANAW NA AKTOR NA IKINAGULAT NG LAHAT

Read Entire Article