
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
Nakumbinse ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibaba sa 19% mula sa 20% ang tariffs sa exports ng Pilipinas sa US
This is a transcript of what economist JC Punongbayan says in the video:
Nineteen percent. ‘Yan ang taripa na pinapataw sa atin ngayon ni US President Donald Trump matapos na pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa White House noong July 22.
Pero kung tutusin ay one percentage point na mas mababa lang ito sa taripa na sinabi ni Trump sa sulat niya kay Marcos earlier this month. Yung 19% ay mas mataas pa rin sa 17% na originally set by Trump na tariff rate sa Pilipinas noong April.
Ayon kay Trump, ay Pilipinas daw ang magbabayad ng 19% na tariff na ito. Pero sa totoo lang, ang magbabayad nito yung mga Amerikanong consumer mismo na kailangan magbayad ng karagdagang 19% sa mga produkto ang inaangkat nila mula sa Pilipinas.
Inanunsyo rin ni Trump na magiging open market daw ang Pilipinas para sa mga produkto mula sa Amerika. Pero nilinaw ni Pangulong Marcos na applicable lang ito sa ilang mga produkto, specifically yung mga automobiles galing sa Amerika.
So in other words, kapag merong mga otomobiles na iniimport tayo mula sa Amerika, ay 0% yung karagdagang buwis na kailangan bayaran para sa mga ito.
Pero kapag tayo naman yung mag-export sa Amerika ng mga produkto natin, halimbawa yung semiconductors as well as food and agricultural products, ay merong taripa na kailangan bayaran yung mga Amerikano.
So at the same time na yung Amerika ay mas makakapag-export sa atin ang mga produkto nila, kabilang yung automobiles, tayo ay mas mahihirapan mag-export sa kanila ng mga produkto natin.
So parang unfair pa rin, di ba?
Sa totoo lang, ay hindi naiintindihan ni Trump ang ibig sabihin ng tariff at yung implikasyon ng ginagawa niyang tariff war or tariff offensive sa maraming mga bansa sa mundo. So, ang buong mundo ay nagdurusa at nagkakagulo dahil sa economic illiteracy ng Pangulo ng United States. – Rappler.com
Producer, video editor: JC Gotinga
Supervising producer: Beth Frondoso
How does this make you feel?
Loading