Barbie Forteza, relate kay Luna ng 'P77' sa pagiging breadwinner

11 hours ago 2
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Showbiz News Barbie Forteza

"I, too, am the provider of the family," Barbie says.

Proud na sinabi ng aktres na si Barbie Forteza na ang pagkakapareho niya sa kanyang karakter sa upcoming mind-bending horror movie ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na P77 ay ang pagiging breadwinner.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Barbie, sinabi nitong naiintindihan niya si Luna na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya, lalo na't sa kapatid niyang si Jonas.

Aniya, "Being the provider of the family, 'yung ikaw 'yung inaasahan na magtaguyod doon sa pamilya, na gagawin ang lahat para makapag-provide, ganyan."

"Ito rin kasi ay istroya ng mga panganay, 'di ba, 'yung tumayo na ring magulang sa pamilya, especially sa nakababata niyang kapatid na si Jonas. Naka-relate ako in a sense of, I, too, am the provider of the family.

"Naiintindihan ko rin si Luna, 'yung kanyang hard work, and 'yung kanyang perseverance para talagang mapagbuti ang kanyang trabaho."

Ginagampanan ni Barbie si Luna, isang breadwinner na kinailangan tanggapin ang trabaho sa P77 matapos biglang maglaho ang nanay niya.

Mapapanood ang P77 sa mga sinehan sa buong bansa simula July 30.

RELATED GALLERY: The acting range of Barbie Forteza


Read Entire Article