'Born to Love You' starring Angeline Quinto, tampok sa I Heart Movies

17 hours ago 2
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Showbiz News Born to Love You movie in I Heart Movies digital channel

Kabilang ang 'Born to Love You' starring Angeline Quinto sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang romantic film ang hindi dapat palampasin ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Mapapanood dito ang debut film ng singer na si Angeline Quinto na Born to Love You kung saan nakatambal niya ang aktor na si Coco Martin.

Gaganap si Angeline rito bilang Joey, part-time tour guide na mahilig sumali sa singing contests. Si Coco naman ay si Rex, photographer na gustong patunayan ang sarili matapos ang iba't ibang kabiguan.

Matutulungan ba nila ang isa't isa or magiging hadlang ba ang magkasalungat nilang personalities?

Abangan ang Born to Love You, July 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag palampasin ang internationally-acclaimed film na School Service starring actress and comedienne Aiai delas Alas.

Kuwento ito ng isang bata na dinukot habang naglalakad pauwi mula sa eskuwelahan. Dadalhin siya sa Maynila at gagawing pulubi na magtatrabaho para sa isang small-time na sindikato.

Dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa pelikula, hinirang si Aiai delas Alas bilang Best Actress sa Director's Week ng 2019 Fantasporto sa Portugal. Nakakuha naman ng NETPAC Award Special Mention sa 2019 Asian Film Festival sa Barcelona ang direktor nitong si Louie Ignacio.

Abangan ang School Service, July 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.


Read Entire Article