
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Esnyr: "It hurt me talaga."
Lubos umanong nasakatan ang social media star at isa sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition third big placer na si Esnyr nang walang pumili sa kaniya para maging huling ka-duo nila sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sa pagbisita nila ng ka-duo niyang si Charlie Fleming sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 16, pinansin ni King of Talk Boy Abunda kung papaanong well-loved si Esnyr ng kaniyang kapwa housemates, lalo na at hindi naman siya kailan man nanomina.
Ngunit kahit well-loved, walang pumili sa social media personality para maging huling ka-duo nila. Kaya tanong ng batikang host kay Esnyr, “Did you feel disappointed?”
Sagot ng social media star, “Tito Boy, to be honest talaga, it hurts. It hurt me talaga. And I think it's okay 'cause it is human to feel hurt talaga, lalo na po 'yung hindi ma-meet 'yung expectations mo.”
BALIKAN ANG FLOURISHING CAREER NI ESNYR SA GALLERY NA ITO:
Nilinaw naman ni Esnyr na hindi dahil sa nagmamalaki siya, ngunit umabot sa punto na kinuwestyon niya ang sarili kung karapat-dapat ba siya, at kung may mga pagkukulang pa ba siya sa housemates.
“It left me questioning my place po talaga, Tito Boy,” sabi ni Esnyr.
Ngunit kahit nasaktan, nakita naman ng social media star ito bilang redirection papunta sa tamang tao na maging ka-duo niya na si Charlie.
Inamin din ni Esnyr na umasa siyang pipiliin siya ni Shuvee Etrata, isa sa mga housemates na naging malapit sa kaniya, at kapareho niyang Bisaya, at sinabing nalungkot siya nang hindi pinili ng Kapuso actress.
Gayunman, agad na nilinaw ni Esnyr na “super bestie” na sila ni Shuvee.
Pagbabahagi ni Esnyr, “Sorry po talaga siya, lalo na po sa mga letter. Sabi ko sa kaniya, 'Hindi mo naman kailangan mag-sorry, ate, kasi 'pag ako din 'yung nasa posisyon mo, mahihirapan din po talaga ako kung sino 'yung pipiliin ko.'”
Samantala, ang naging ka-duo naman ni Esnyr na si Charlie, sinabing ang social media star ang pipiliin niya, kung sakaling nabigyan siya ng pagkakataon na mamili ng ka-duo.
“I would say it time and time again, siya po talaga 'yung first choice ko. The moment I left the house, kasi I got evicted already, right?” sabi ni Charlie.
Panoorin ang panayam nina Esnyr at Charlie dito: