WATCH: Can Senate defy Supreme Court’s impeachment ruling?

10 hours ago 4
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

 Can Senate defy Supreme Court’s impeachment ruling?

Ipinaliwanag ni justice reporter Jairo Bolledo kung posible bang 'di sundin ng Senado ang Supreme Court ruling na nagpahinto ng impeachment trial ni Sara Duterte

This is a transcript of what justice reporter Jairo Bolledo says in the video

MANILA, Philippines – Kung gugustahin ba ng Senado, puwede ba nitong suwayin ang Supreme Court decision na nagpahinto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte?

Pahiram ng ilang minuto at pag-usapan natin in detail.

‘Di ba nga, may SC decision na nagsasabing unconstitutional daw ‘yong articles of impeachment na ginamit laban kay Vice President Sara Duterte? Kaya hinto na ang trial.

At this point, ang option for the House ay mag-file ng motion for reconsideration para i-apela ‘yong desisyon ng Korte Suprema. Gagawin naman ito ng House.

Pero, may hinihintay rin na major move from the Senate. Kahit nagdesisyon na ang Supreme Court na walang trial ang puwedeng maganap against the Vice President this year ay may arguments na puwedeng suwayin ito ng Senado.

Ang dahilan, under the Constitution kasi, ang House ang may power to impeach. Samantalang ang Senate naman ang may sole mandate to try and decide impeachment cases.

Tapos, ang isa pang argument ay co-equal branches ang Supreme Court at ang Senate. Walang mas mataas o walang mas mababa sa dalawa.

Kung sakali man na susuwayin ng Senado ang Korte Suprema ay baka raw mahirapan ang Senado na gawin ito, ayon sa ilang constitutional law experts. Sa ruling kasi, null and void ab initio o walang visa sa simula pa lang ‘yong articles of impeachment.

Tapos, may wording din ‘yong desisyon na pinen ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na never daw nag-acquire ng jurisdiction in the first place ang Senado. So for example, ituloy ng Senado ‘yong trial, baka daw i-argue ng respondent na hindi niya susundin ang Senado kasi hindi naman nag-acquire ng jurisdiction ang Senate in the first place.

Bigay ni constitutional law professor Dante Gatmaitan ‘yong hypothetical situation na ‘yan.

Pero, hindi pa naman entirely lost cause ito. Sabi ni UP law professor Paulo Tamase ay historically, ang Senate ay isang proud institution na protective doon sa constitutional mandate nito to try and decide impeachment cases.

Ito rin actually ‘yong point ni Professor John Molo.

Historically, in the past, may instances na ‘yung Senate dinefy ‘yong co-equal branches nito, including the President, ha. So, malay natin, baka mangyari ulit this time.

Sa August 6, magbabotohan ng mga senador kung ano na ang mangyayari dito sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Kung by the numbers tayo, maraming kaalyado ang mga Duterte sa Senado.

‘Di ba nga may Duterte bloc that includes senators Bato de la Rosa, Bong Go, and Imee Marcos, among others? And let’s not forget, the last time na nagkaroon ng botohan kung ibabalik ba o ire-remand ng Senado yung articles of impeachment sa House ay overwhelmingly nanalo ‘yong pabor dito sa motion na ito.

At the end of the day, nasa Senado mismo kung ano ang gusto nitong gawin because independent body ito.

For our part, two scenarios lang ang aabangan natin. First scenario, kung gagalangin ng Senate ang SC decision, eh di ‘di na talaga matutuloy ang trial. Second scenario, kung hindi gagalangin ng SC decision, eh di magpapatuloy ang trial.

Kung interested pa po kayo sa conversation about the impeachment trial of Vice President Sara Duterte, you may download the Rapper Communities app and join the justice and crime channel. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading

Avatar photo

Read Entire Article