
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
'Those people raising hell over criticizing SC decisions: These are not edicts from heaven. And it is our responsibility as citizens and for us members of the academic to point out what might be wrong about a SC decision,' UP law professor Dante Gatmaytan says
This is a transcript of what justice reporter Jairo Bolledo says in the video
MANILA, Philippines – Iba-iba ang emosyon na na-trigger ng paglabas ng SC (Supreme Court) decision on the impeachment trial of Vice President Sara Duterte.
Si Senator Bato dela Rosa nga, na kaalyado ng mga Duterte, minention pa ‘yong Holy Spirit sa reaksyon niya doon sa SC ruling. Pero side note, ang court decisions po ay nakabase sa batas at hindi sa religion.
Pero may ilang officials din na nagpakita ng pagkadismaya dahil doon sa decision.
Ang tanong na kailangan nating sagutin ngayon ay puwede ba natin i-criticize ang Supreme Court decisions? Pahiram ng ilang minuto at i-discuss natin in detail.
By structure, ang Supreme Court ang highest court of the land. At one point pa nga, tinatawag na “gods of Faura” ‘yong mga SC justices. Pero hindi nila gusto ‘yan dahil tao lang naman daw sila at hindi sila infallible or nakakamali lang din naman sila.
Dahil sa power at influence ng SC ay may notion na dapat ‘yong mga decision na inilalabas nito ay hindi puwedeng kuwestyunin o labanan. Na dapat ‘yong isang SC decision should be taken as is.
Sorry, pero maling paniniwala po ito.
In fact, ‘pag may isang SC decision nga, puwede mo pang i-apela ito sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration.
Katulad dito sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte, ang House of Representatives ay i-a-appeal pa nila ‘yong desisyon ng Korte.
Noong pinarusahan ng Korte Suprema ang serial red-tagger na si Lorraine Badoy dahil sa pag-threaten niya sa isang Manila judge, doon sa desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, sinabi ng SC na ang pag-criticize sa Korte ay bahagi ng constitutional right to free speech, expression, and of the press.
Ibig sabihin, puwede tayo magpahayag ng ating mga criticisms against the Supreme Court. Kaya may paalala rin si UP law professor Dante Gatmaytan sa mga taong galit na galit sa mga kapwa nila na nag-voice out ng criticisms against the recent SC decision.
“Those people raising hell over criticizing SC decisions: These are not edicts from heaven. And it is our responsibility as citizens and for us members of the academic to point out what might be wrong about a SC decision. It’s our job and there’s absolutely nothing wrong with doing that,” sabi niya.
But of course, may limitations ‘yong criticisms na puwede nating ibato sa Korte Suprema para nga naman hindi masyadong um-OA ‘yong mga criticisms.
Doon nga sa kaso ni Badoy, sabi ng SC ay valid naman daw kung iki-criticize ang Korte. Pero ‘yong criticisms daw ay hindi dapat makakaabot sa point nate-threaten nito ‘yong judicial independence o ‘yong independence ng mga Korte natin.
Sa isa pa pong kaso, the Macaset case of 2008, sinasabi doon na may important line na nagse-separate doon sa legitimate criticisms against the Court at ‘yong pag-atake sa Korte at sa mga judges.
Kaya nandiyan din ‘yong contempt powers ng Korte o ‘yong kapangyarihan ng Korte na magpataw ng parusa. Puwede gamitin ang contempt powers para doon sa mga taong aabusuhin ang free speech para i-threaten ang independence ng Korte.
Kung interested pa kayo to talk about the impeachment trial of Vice President Sara Duterte and other related issues, you may download the Rappler Communities app and join the justice and crime channel. – Rappler.com
Reporter/writer/video editor: Jairo Bolledo
Supervising editor: Chay Hofileña
How does this make you feel?
Loading