[WATCH] Missing sabungeros case: Murder complaint vs Atong Ang

7 hours ago 4
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

 Murder complaint vs Atong Ang

Bukod sa murder, humaharap din si Ang sa reklamong serious illegal detention dahil sa pagkawala ng mga sabungero

This is a transcript of what justice reporter Jairo Bolledo says in the video

MANILA, Philippines – Si Atong Ang ay humaharap na sa mga reklamong murder at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng mga nawawalang sabungero.

Pahiram na ilang minuto at pag-usapan natin in detail.

Biyernes, August 1, nang mag-file ang pamilya ng mga nawawalang sabungero ng reklamo laban sa businessman na si Atong Ang sa Department of Justice.

Mabibigat na akusasyon ang murder at serious illegal detention, pareho po ‘yang non-bailable.

Sabi ni Justice Secretary Boyeng Remulla, may witness daw na magpapatunay na allegedly involved ‘tong si Atong Ang sa pagkawala at pagkamatay ng mga sabungero. May mention din na allegedly itong si Ang ay mastermind at allegedly ay head daw ng isang criminal organization, ayon kay Remulla.

Na-mention din ang relasyon ni Ang sa dating niyang tauhan na si Julie “Dondon” Patidongan. Kung matatandaan ‘nyo, itong si Julie “Dondon” Patidongan o Alias Totoy ang unang nagbintang na si Ang daw ang alleged mastermind sa pagkawala ng mga sabungero.

Again, itong si Dondon 2022 pa lang ay nakasuhan na for kidnapping and serious illegal detention kasama ‘yong lima niyang kasamahan na nagtatrabaho sa Lucky 8 Star Quest.

‘Yong Lucky 8 Star Quest ay pag-aari ni Ang at ito ‘yong operator ng mga sabungan kung saan huling nakita ‘yong ilang nawawalang sabungero.

Kung sina Dondon ay nakasuhan, itong Senado na nag-imbestiga sa mga nawawalang sabungero ni-recommend na ipagpatuloy ng PNP at NBI ang imbestigasyon sa Lucky 8 Star Quest at kay Ang.

And after a while nga naging dormant or hindi active itong isyu kay Ang in relation to the missing sabungeros until this year na na-resurrect ‘yong isyu dahil kay Alias Totoy or Dondon. Balik tayo sa mga reklamo — for now, ito po ay mga complaints pa lang. Next step ay titingnan ng prosecutors kung okay ito for preliminary investigation.

At kapag nakita ng prosecutors na may sapat na ebidensya at may certainty of conviction puwede na nilang kasuhan si Ang sa korte at puwede na magsimula ang trial.

Nakabase ang lahat sa prosecutors.

Pero kung tatanungin si Justice Secretary Remulla ay hinog na raw for trial ang kasong ito.

Kung interested pa kayong pag-usapan ang missing sabungeros case, don’t forget to download the Rappler Communities app and join the justice and crime channel. – Rappler.com

Reporter/writer/video editor: Jairo Bolledo
Supervising editor: Mia Gonzalez

How does this make you feel?

Loading

Avatar photo

Read Entire Article